ECQ

           Enhanced Community Quarantine 

Buong Pilipinas ay nagambala ng pumutok ang balita na may kumakalat na virus sa buong bansa. Dahil sa epekto ng virus na ito nabago ang buhay ng marami.

Dahil sa virus ay maraming tao ang nawalan ng trabaho ang mga Kabataan na nagaaral ay naapektuhan din. Lahat ng tao sa buong mundo ay walang ligtas sa masamang dala ng virus na ito.

Dahil sa nararanasan natin Krisis ay mas lalong naghigpit ang pamahalaan at doon na nga natin naranasan ang Enhanced Community Quarantine or ECQ. Noong March 16 2020 ay inanunsyo ng pamahalaan ang ECQ. 

Ang ECQ ay isang paghihigpit na kung saan ang buong luzon ay sumailalim sa total lockdown. Sa ECQ ay pili lamang ang maaaring lumabas. Ang mga edad 20 pababa ay bawal lumabas ng kanilang tahanan ganun narin sa mga senior citizen. Maaari lamang lumabas ang pwedeng lumabas kapag may Quarantine pass na binibigay ng mga Barangay.

Sa aking karanasan sa Enhanced Community Quarantine ay hindi naman masama syempre nandun yung lungkot na hindi ka makalabas dahil bawal pero para sa akin ay ayos Lang Yun dahil para naman yun sa aking ikakabuti at na aking buong pamilya.

Mahirap man ang naranasan natin sa taong 2020 ngunit bakas parin ang pagasa sa bawat tao na darating ang araw na maaari na tayong lumabas ng Malaya katulad ng dati.

Comments